^

Police Metro

Biyuda ni Batocabe tatakbong mayor ng Daraga

Jorge Hallare - Pang-masa
Biyuda ni Batocabe tatakbong mayor ng Daraga
Ang pagtakbo ni Gng. Batocabe ay inihayag nito sa ginawang pulong pamamahayag sa media at mga supporter matapos makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo kamakalawa.
File

MANILA, Philippines — Tatakbo bilang mayor ng Daraga, Albay ang biyuda ng pinatay na si Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe na si Gertrudes “Gertie” Duran Batocabe.

 

Ito ang inihayag ni Gng. Batocabe, bilang kapalit ng mister na pinatay noong Disyembre 22 sa Brgy.Burgos.

Ang pagtakbo ni Gng. Batocabe ay inihayag nito sa ginawang pulong pamamahayag sa media at mga supporter matapos makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo kamakalawa.

Sinabi ni Gertie na matagal niyang pinag-isipan ang pagtakbo at sa payo ng kanilang mga kaanak at ni Pangulong Duterte ay nabuo ang desisyong pumalit sa asawa.

Ayon sa biyuda ng kongresista alam niya ang susuunging gulo, kontrobersya, paninira at maduming pulitika pero nais nitong ipagpatuloy ang sinimulang plano ng asawa na pagsilbihan ang Daraga.

Si Batocabe ay tatakbo kasama ang running mate na si Joseph Espinas sa ilalim ng partidong NUP (National Unity Party).

Ang kanyang panganay namang anak na si Atty.Justin Batocabe ay papalit sa kanyang tatay bilang 2nd nominee sa Ako Bicol Partylist.

vuukle comment

AKO BICOL PARTYLIST

GERTRUDES DURAN BATOCABE

RODEL BATOCABE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with