^

Police Metro

2 killer ng Ateneo stude, arestado

Mer Layson - Pang-masa
2 killer ng Ateneo stude, arestado
Positibong itinuro ng saksi ang suspek na si Jayvee Santos na siyang nangholdap at pumatay kasama ang isang 16-anyos sa isang Ateneo student na si Francis Arnold De Leon noong Disyembre 1 at naaresto kahapon ng madaling araw sa Marikina City.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Naaresto kahapon ng mga otoridad ang dalawang lalaki na humoldap at pumatay sa isang Ateneo de Manila University (ADMU) graduate student noong Disyembre 1 sa Marikina City.

Iprinisinta kahapon sa media ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, P/Director Guillermo Lorenzo Eleazar ang isa sa mga naarestong suspek na si Jayvee Santos, 24, alyas ‘Diablo’ habang hindi na iniharap pa ang kanyang kasabwat na 16-anyos.

Si Santos, ay naaresto sa isang checkpoint sa Apitong, Brgy. Marikina Heights kahapon ng madaling araw at ito ay positibong kinilala ng hawak na testigo ng mga pulis na nag-alok sa kanya ng cellphone ng biktimang si Francis de Leon, 24.

Sinabi umano sa kanya ng suspek na nakuha nito ang cellphone sa J. Molina St. kaya’t ipinapahanap sa kanya ng buyer.

Sa isinagawang interogasyon ay itinuro naman ni Santos ang kasabwat nitong 16-anyos sa pagsasagawa ng krimen kaya’t nadakip ito.

Magugunita na dakong ala-1:20 ng madaling araw noong Disyembre 1 ay hinoldap at sinaksak ang biktima ng mga suspek sa kanto ng J. Molina St.,at Bluebird St. Brgy. Concepcion Uno na may ilang metro lamang ang layo sa kanilang bahay.

Kagagaling lamang ni De Leon sa isang internet café upang makigamit ng internet nang matiyempuhan ng mga suspek.

Nakatulong ang alok na reward na P500,000 ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro para sa ikadarakip ng mga suspek.

vuukle comment

JAYVEE SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with