^

Police Metro

2 holdaper patay sa shootout

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pang-masa
2 holdaper patay sa shootout
Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon ay nakatayo sa tabi ng highway ang biktimang si Den Mark Tagum, 26, ng Brgy. Matacon nang biglang tumigil sa kanyang harapan ang motorsiklo lulan ang tatlong suspek na armado ng baril.
File

MANILA, Philippines — Patay ang dalawa sa tatlong holdaper na miyembro ng ‘Concepcion Gang’ matapos makipagbarilan sa rumespondeng mga pulis nang mangholdap sa kahabaan ng Maharlika National Highway, Brgy. Ubaliw, Polangui, Albay kamakalawa ng hapon.

Ang mga nasawing suspek ay kinilalang sina Christian Toralde Secopito at Crisaldo Sentilla Secopito, magpinsan na pawang residente ng Brgy. Libtong, Libon habang nakatakas ang isa nilang kasama.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon ay nakatayo sa tabi ng highway ang biktimang si Den Mark Tagum, 26, ng Brgy. Matacon nang biglang tumigil sa kanyang harapan ang motorsiklo lulan ang tatlong suspek na armado ng baril.

Agad tinutukan ng baril ang biktima at sapilitang kinuha ang pitaka na may lamang P1,500.

Nagtatakbo si Tagum at nakapagsumbong sa mga pulis na agad nakaresponde at inabutan ang mga holdaper na lulan ng hindi naplakahang motorsiklo.

Sa halip umanong sumuko pinutukan ng mga holdaper ang mga pulis na agad gumanti ng putok dahilan para mapaslang ang mag-pinsang Secopito habang ang nakatakas ang kasama sa direksyon ng Brgy.Kinale.

vuukle comment

CONCEPCION GANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with