^

Police Metro

Aktor na si Bangkay, nagbigti

Joy Cantos - Pang-masa
Aktor na si Bangkay, nagbigti
Sa ulat ni Quezon Acting Provincial Director P/Sr. Supt. Osmundo de Guzman, dakong alas-3:45 ng madaling araw nang madiskubre ang bangkay ni Andres, 72.

MANILA, Philippines — Patay na nang matagpuan ang aktor na si Nonong de Andres na mas kilala sa tawag na si Bangkay matapos umano itong mag-suicide sa pamamagitan nang pagbibigti kahapon ng madaling araw sa cottage ng isang beach resort sa Brgy.Tumagay, Plaridel, Quezon.

Sa ulat ni Quezon Acting Provincial Director P/Sr. Supt. Osmundo de Guzman, dakong alas-3:45 ng madaling araw nang madiskubre ang  bangkay ni Andres, 72.

Ang pagpapatiwakal ni Andres ay inireport sa pulisya ni Larry Liwanag, caretaker ng nasabing beach resort.

Kinumpirma naman ng pamangkin ni Andres na si Paolo Capino na namatay ang kaniyang tiyuhin sa bahay ng kaibigan nitong si Mayor Bernard Tumagay.

Si De Andres ay na­ging popular bilang si “Bangkay” sa mga horror at comedy na mga pelikula at gumanap rin bilang “Bangky” sa teleseryeng Forever More  nina Liza Soberano at Enrique Gil na inere umpisa noong Oktubre 27, 2014 hanggang Mayo 22, 2015.

vuukle comment

NONONG DE ANDRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with