^

Police Metro

Sotto sa mga opisyal ng gobyerno: Hindi tayo boss!

Malou Escudero - Pang-masa
Sotto sa mga opisyal ng gobyerno: Hindi tayo boss!
Sinabi pa ni Sotto na nag-aalis din siya ng sapatos at lahat ng mga dapat tanggalin sa katawan dahil sila ang dapat maging ehemplo bilang mga public officials.
The STAR/Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Ipinaalala kahapon ni Senate President Tito Sotto na hindi dapat ituring ng mga opisyal ng gobyerno na sila ay mga boss kundi mga alila.

Ito ay sa gitna ng ipinakitang kayabangan ni ACTS OFW party-list Rep. Aniceto Bertiz sa Ninoy Aquino International Airport na nakuhaan sa CCTV at nag-viral sa social media.

Sinabi ni Sotto na walang dapat na binibigyan ng VIP treatment kasabay nang pagkondena sa ginawa ni Bertiz na ipinagmalaki ang suot na ID sa isang airport security official matapos tumangging sumunod sa patakaran para sa mga pumapasok sa paliparan.

Sinabi pa ni Sotto na nag-aalis din siya ng sapatos at lahat ng mga dapat tanggalin sa katawan dahil sila ang dapat maging ehemplo bilang mga public officials.

Idinagdag ni Sotto na kung ano ang polisiya na sinusunod ng mga ordinaryong mamamayan ay dapat ding sundin ng mga opisyal.

vuukle comment

ANICETO BERTIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with