^

Police Metro

Guro dedo, 6 sugatan sa banggaan

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 50-anyos na guro ang nasawi habang 6 ang nasugatan matapos na magbanggaan ang isang tricycle at kasalubong na motorsiklo kamakalawa sa kahabaan ng highway ng Brgy. Magsaysay, Bagamanoc, Catanduanes.

 

Ang biktima na idi­neklarang dead on arrival sa ospital ay kinilalang si Olivia Vitalicio, guro sa high school.

Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga nasugatan na sina Fre­derick Tillerba, 44, driver ng Suzuki 125 tricycle at mga sakay nitong sina Bianca Tillerba, 8; Marissa Tillerba, 48, guro sa high school; Cherry San Jose, 35; Cherryl Vistal, 39; pawang guro sa elemen­tarya; Erwin Tranqueña, 25, backhoe operator at driver ng motorcycle.

Sa ulat, bandang alas-5:30 ng hapon nang mangyari ang banggaan sa pagitan ng motorsiklo ni Tranqeña at ang Suzuki 125 tricycle na minamaneho naman ni Tillerba sa highway.

Sa lakas  ng pagkakabangga ay natanggal ang bubungan ng tricycle at  bumaliktad sa insidente na malubhang ikinasugat ng mga sakay nito habang nagtamo rin ng matinding sugat ang driver ng motorsiklo nang tumilapon sa kalsada.

vuukle comment

DEADS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with