^

Police Metro

2 katutubo sinilaban ng ka-tribu

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang isa sa dalawang senglot na katutubong Aeta habang nasa kritikal na kalagayan sa pagamutan ang kasama nito matapos silang buhusan ng gasolina at silaban ng nabulabog nilang kanayon sa liblib na bayan ng Maconacon, Isabela kamakalawa.

Ayon sa ulat ng Isabela Police, nalagutan ng hininga si Fernando Sesuca habang ginagamot sa isang hospital sa lungsod na ito kung saan siya inilikas sa pamamagitan ng eroplano kasama si Acorda Cortez na patuloy na inoobserbahan.

Nabatid na 80 porsiyento sa katawan ng mga biktima ang natusta matapos silang buhusan ng gasolina at silaban ni Renato Castillejo sa labas ng kanilang kubo sa Barangay Malasin.

Sinasabing nabulabog si Castillejo sa pagwawala ng dalawang biktima na noon ay dumating na lasing sa kanilang tribo. Dinakip ng mga nagrespondeng pulis si Castillejo matapos ang insidente.

vuukle comment

TRIBU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with