^

Police Metro

207 barangay officials sa ‘Narco List’ kakasuhan ng PDEA

Mer Layson, Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang kasuhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa linggo ito ang 207 barangay officials na nasa listahan ni  Pangulong Rodrigo Duterte bilang mga “narco-list” o nasa drug watch list.

Ayon kay  PDEA chief Aaron Aquino na pinatunayan ng 4 government agencies na sangkot sa illegal drugs ang 90 barangay captains at 117 barangay kagawad na ang 70 dito ay mula sa Bicol; 34 sa Caraga, 13 sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at iba pang panig ng bansa.

Tinukoy din na 12 sa listahan ay mula sa NCR partikular sa Tondo, Quezon City at Malabon.

Pinanindigan ni Aquino na ang inilabas nilang listahan ay validated ng PDEA, Philippine National Police (PNP), National Intelligence Coordination Agency (NICA) at Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).

“This was validated on the ground. There is no truth that this will serve as hitlist. It will not,” ani Aquino.

Iginiit ni Aquino na ang pagpapalabas nila ng mga pangalan ay upang magbigay ng impormasyon at babala sa publiko na huwag silang iboto sa nalalapit na Barangay at SK election sa darating na May 14.

Bukod dito ay sinusuri pa ng PDEA ang 274 local executives na sangkot din sa drug trade.

Sa kabila nito ay nagbigay ng kasiguraduhan si Aquino na bibigyan nila ng protection ang mga nabanggit na opisyal mula sa posibleng magiging galit ng publiko. - -

vuukle comment

NARCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with