^

Police Metro

Mga bagong kubol nagsulputan sa Bilibid

Doris Franche-Borja, Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ilang bagong kubol ang nadiskubre kahapon sa ginawang Oplan Galugad sa New Bilibid Prisons (NBP).

Kaya agad na iniutos ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang im­bestigasyon kung paanong naitayo ang nasabing mga kubol na nasa loob ng medium security compound.

Naka-airconditioned umano ang mga kubol at tiyempong itinayo kung kailan inilipat sa medium security compound ang ilang mga high profile drug convict na galing ng Building 14 at maximum security compound.

Giit ni Aguirre, indikasyon ito na hindi lamang pagbabalik ng illegal drugs ang nangyayari sa loob ng NBP kundi ang pagtatayo ng mga bagong kubol.

Lumalabas umano na ang mga kubol na hindi mabatid pa kung ilan at kung sino ang mga may-ari ay naitayo noong panahon ng pamumuno ng nagbitiw na si BuCor Director Benjamin delos Santos.

Hindi rin malinaw kay Aguirre kung bakit ang mga high profile drug lords ay inilipat sa medium security mula sa Bldg 14 at  maximum security.

Posible umanong ga­ling sa dating namuno nito na si Delos Santos ang pumayag ng pagli­lipat dahil hindi na umano siya nakikialam sa lipatan kung sa loob lamang ng NBP penitentiary.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with