^

Police Metro

2 pang suspek sa Korean kidnap-slay tukoy na

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawa pang pangunahing suspek sa kidnap-slay  ng negosyanteng Koreano na si Jee Ick-joo  ang natukoy ng PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG).

Ito ang inihayag kahapon ni PNP–AKG Director P/Sr. Supt. Glenn Dumlao sa panayam ng PNP reporters sa pagdiriwang ng  ika-5 taong pagkakatatag ng tanggapan na kaniyang pinamumunuan.

“Basta may idadagdag kami na isa, dalawa. Parang principal sila dito sa kaso,” pahayag ni Dumlao na tumanggi munang tukuyin ang pagkakakilanlan sa dalawa pang suspect habang patuloy ang masusing imbestigasyon sa kaso.

Ayon kay Dumlao sa darating na Pebrero 26 ang preli­minary investigation ng kaso ay ihahayag na nila ang mga pangalan ng dalawa pang karagdagang suspek sa kaso.

Una nang natukoy na ang grupo ni SPO3 Ricky Sta Isabel ang sangkot sa  pagdukot noong Oktubre 18, 2016 sa Angeles City, Pampanga kay Ick-joo  na pinaslang sa loob mismo ng Camp Crame.               Sa kasalukuyan, ayon kay Dumlao ay patuloy pa rin ang pangangalap ng ebidensya  ng PNP-AKG sa kasong ito.

Inihayag naman ng opisyal na ang mastermind sa krimen ay pinakamagaling magtago sa pagkakasangkot nito sa kaso pero mga principal players na nagdadawit dito sa kidnap–slay kay Ick–joo.

Samantalang idinagdag pa ng opisyal na matibay ang kanilang kaso laban sa mga suspek.

vuukle comment

KOREAN KIDNAP-SLAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with