^

Police Metro

Duterte nais amyendahan ang 1987 Constitution

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Upang payagan ang pagdedeklara ng Martial Law na walang approval ng Kongreso at Korte Suprema  ay nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na maamyendahan ang 1987 Constitution upang maging solong desisyon na lamang ito ng pangulo.

Ito ang naging pahayag kamakalawa ni Pangulong Duterte sa harap ng libu-libong volunteer women sa Clark, Pampanga na dapat ang pagdedeklara ng martial law ay solong prerogative ng pangulo ng bansa.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, ang Kongreso at Korte Suprema ay may kapangyarihan na rebyuhin ang pagdedeklara ng martial law.

“May giyera na, pupunta pa ako sa Congress, sa SC? Paano kung hindi magkasundo ang SC at Congress? Sino susundin ng pulis?” wika pa ni Pangulong Duterte.

Hinigpitan ang probisyon sa martial law sa 1987 Constitution upang hindi maulit ang pag-abuso sa pagdedeklara ng martial law na ginawa noon ni yumaong Pangulong Marcos.

Ilang ulit nang sinabi ni Duterte na wala siyang balak na magdeklara ng martial law kahit sa gitna ng giyera kontra illegal drugs ng pamahalaan.

vuukle comment

PILIPINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with