^

Police Metro

Magtatay timbog sa marijuana sa paso

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang mag-ama ang dinakip sa kanilang bahay matapos makita na inilalabas mula sa kanilang bahay ang isang paso na may tanim na marijuana kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ang mag-ama ay kinilalang si Robert Taraya, 46, driver; at John Kenneth Taraya, 21, pintor, kapwa residente ng no. 2170 Infanta St., Balut, Tondo.

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ng anti-criminality campaign ang pulis at sinita nila ang mag-ama dahil nakita ang hawak na paso na korteng marijuana ang dahon na inilabas mula sa kanilang bahay.

Itinanggi ng mag-ama na sa kanila ang nasabing halaman na umano ay iniwan lamang umano ng kanilang kaibigan, su­balit nakumpiska sa kanila ang 3 plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana at mga buto na pinaniniwalaang tangkang itanim pa.

vuukle comment

DINAKIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with