^

Police Metro

Kelot, bebot binaril muna bago sinilaban sa kotse

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Halos natusta sa loob ng sinunog na kotse ang isang hindi pa nakilalang babae at lalaki noong Linggo ng gabi sa kahabaan ng road dike ng Brgy. Dimasalang, Tala­vera, Nueva Ecija.

Hindi pa matukoy ng mga otoridad ang pagkakakilanlan sa dalawang bangkay na nasunog kasama ng nagliliyab na behikulo.

Ayon sa mga residente sa nasabing lugar  nakita umano nila ang dalawang behikulo na dumaraan sa lugar at ilang saglit pa ay nakarinig sila ng pagsabog kung saan isa sa mga behikulo ang bigla na lamang nagliyab.

Nagresponde ang mga operatiba ng pulisya sa insidente na  tumagal ng isang oras bago naapula ang sunog sa naglilyab na behikulo at natagpuan sa loob ang halos natustang bangkay ng isang babae at isang lalaki.

Sa imbestigasyon na may butas sa bungo at dibdib ng mga biktima na palatandaang binaril muna ang mga ito bago sinunog sa loob ng behikulo.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BEHIKULO

BRGY

DIMASALANG

ISANG

LINGGO

MGA

NAGRESPONDE

NUEVA ECIJA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with