^

Police Metro

Rider, paslit tepok sa salpok

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kapwa namatay ang driver ng motorsiklo at angkas nitong 4-anyos batang lalaki matapos na sila ay mabundol ng traktora kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Nasawi noon din ang biktimang si Niño Beltran, nasa hustong gulang, ng Breakwater, Isla Pu­ting Bato, Tondo, Maynila, habang idineklarang dead on arrival sa ospital  ang angkas nitong bata na si Sonny Belicario, ng Baseco, Tondo.

Nagtamo ng bahagyang sugat sa tuhod ang isa pang angkas na si Elvie Ibañez, 29, ng Baseco, Tondo na dinala rin sa nabanggit na pagamutan.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-6:20 ng gabi sa kanto ng C-3 Road at M. Naval Street sa Brgy. North Bay Boulevard South ay patawid ng C-3 Road ang motorsiklo na minamaneho ni Beltran nang mabundol ng traktora (AJA-9840) na minamaneho ni Alvin Joey Guttierez, 28, ng Bitungol, Bulacan dahil sa bigla umanong tumawid ang motorsiklo.

Nakatakdang kasuhan si Guttierez ng reckless imprudence resulting in double homicide at physical injuries.

vuukle comment

ALVIN JOEY GUTTIEREZ

ANG

ATILDE

BASECO

BELTRAN

ELVIE IBA

ISLA PU

NAVAL STREET

NAVOTAS CITY

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

SONNY BELICARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with