^

Police Metro

Sundalo pinatay ng Sayyaf sa simbahan

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang nagbabakasyong tauhan ng Philippine Air Force (PAF) ang nasawi matapos itong pagbabarilin sa likod ng simbahan ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin na hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Brgy. San Raymundo, Jolo, Sulu kamakalawa ng hapon.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Air Force enlisted personnel Andrew Burias Nono, 27, nakatalaga sa 15th Strike Wing na nakabase sa Sangley, Cavite.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon ay nakatayo ang biktima sa likuran ng Jolo Church sa Brgy. San Raymundo nang biglang sumulpot ang mga armadong salarin at paputukan ito.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima pero nabigo na maisalba ang buhay nito dahil sa dami ng tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

Nabatid na ang biktima ay humingi lamang ng bakasyon sa trabaho para umuwi sa Sulu.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

AIR FORCE

ANDREW BURIAS NONO

ANG

BATAY

BRGY

CAVITE

JOLO CHURCH

PHILIPPINE AIR FORCE

SAN RAYMUNDO

STRIKE WING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with