^

Police Metro

13-anyos ni-rape ng kainuman ng ama

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sising-alipin ang isang ama dahil hinalay ng kanyang kainuman ang anak niyang 13-anyos habang siya lugmok sa kalasingan kamakalawa sa Brgy. Pasonanca, Zamboanga City.

Ang biktima na itinago sa pangalang Nanette ay sinamahan ng kanyang ama na si Romeo sa pulisya para magsampa ng reklamong rape laban sa suspek na si Vicente Delos Santos, 67-anyos, ng KM 4 ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon, bago nangyari ang panghahalay ay  kainuman ni Romeo ang suspek sa loob ng kanyang bahay.

Nang malugmok sa kalasingan si Romeo ay pinasok ng suspek na hindi gaanong lasing ang dalagita na mahimbing na natutulog at pagkatapos halayin ay binantaan na huwag magsumbong sa ama.

Nang mahimasmasan ang ama ay inusisa nito ang anak at tinanong kung bakit ito umiiyak na kung saan ay nagtapat ito sa sinapit sa kamay ng kainuman.

Agad na nagsumbong ang ama sa pulisya at ipinaaresto ang suspek.

vuukle comment

AMA

ANG

BATAY

BRGY

KAINUMAN

NANETTE

NANG

PASONANCA

SUSPEK

VICENTE DELOS SANTOS

ZAMBOANGA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with