^

Police Metro

Mister dinedo sa harap ni misis

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napatay ang 47-an­yos na kawani ng gobyerno matapos itong pagbabarilin ng kanyang kapitbahay sa harap ng kaniyang misis sa Tondo, Maynila, kahapon ng hapon.

Limang tama ng bala ng baril sa dibdib ang tumapos sa buhay ni Melencio Alcalde ng Herbosa Street sa Tondo, Maynila.

Sugatang tinamaan ng bala sa kaliwang tuhod ang 76-anyos na ina ni Melencio na si Nieves Alcalde.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang panguna­hing suspek na si Alfredo “Jonjon” Tenoso.

Sa inisyal na ulat ni PO3 Jorlan Taluban, naganap ang krimen dakong ala 1:15 ng hapon sa tapat ng bahay ng mag-ina sa panulukan ng Herbosa at Imelda Street sa Tondo.

Lumilitaw na nakiki­pag-usap ang biktima sa kanyang misis at nanay sa labas ng kanilang bahay nang lapitan at ratratin ng suspek.

Pinaniniwalaang may naghihintay na getaway vehicle sa suspek dahil umalis ito sa halip na magtungo sa direksiyon ng kanilang bahay.

Hindi pa makausap ng pulisya ang mga kaanak ng biktima para makapagbigay ng karagdagang impormasyon habang patuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment

ACIRC

ALFREDO

ANG

HERBOSA

HERBOSA STREET

IMELDA STREET

JONJON

JORLAN TALUBAN

MAYNILA

MELENCIO ALCALDE

NIEVES ALCALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with