^

Police Metro

Ginang kinatay ng selosong lover

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 40-anyos na ginang nang ito ay ataduhin nang saksak ng kanyang lover matapos ang mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Malaybalay City, Bukidnon.

Ang nasawi ay kinilalang si Lolita Gabisan na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan. Habang ang suspek na tumakas ay kinilalang si Johnny Betonio, nasa hustong gulang.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-8:42 ng gabi sa bahay ng maglive-in partner sa Purok 6, Brgy. Casisang, Malaybalay City ay mahim­bing na natutulog ang ginang  nang magising ito sa malakas na kalabog na nilikha ng suspek.

Tinanong ng ginang ang suspek kung bakit ito nagdadabog at sinagot ng huli na siya ay nagseselos dahil sa nasagap na balita na may nanliligaw dito na ibang lalaki.

Pinabulaanan ito ng ginang na hindi pinaniwalaan ng suspek kaya’t nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ng patalim ang huli at inatado nang saksak ang una.

Nang bumulagta ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BATAY

BRGY

BUKIDNON

CASISANG

HABANG

JOHNNY BETONIO

LOLITA GABISAN

MALAYBALAY CITY

NANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with