^

Police Metro

4 pinatay ng adik sa DOTA pinatigil sa paglalaro...

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Apat na miyembro ng isang pamilya ang pinagsasaksak habang natutulog ng kanilang kapitbahay na adik sa DOTA kahapon ng madaling araw sa Isabela, Negros Occidental.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang mag-asawang Ricardo, 57; misis na si Consuelo Carpentero, 59, habang ang kanilang anak na si Carlo Carpentero, 23, ay namatay noon din. Namatay rin habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isa pang anak na si Shiella May, 25.

Bago nangyari ang krimen dakong ala-12:30 ng madaling araw sa loob ng bahay ng pamilya Carpentero na matatagpuan sa Purok Rose, Brgy. Cansalongon ng lalawigan ay kasalukuyang mahimbing na natutulog ang mag-anak nang pasukin ng suspek na si Jemar Castro, 27 at sila ay ataduhin ng saksak.

Lumalabas sa im­bestigasyon, na sumama ang loob ni Castro kay Carlo nang patigilin siya sa paglalaro ng DOTA sa computer shop na pinamamahalaan ng huli dahil ito ay magsasarado na.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa nagpasya ang suspek na umuwi ng lang at nagbanta na ito ay gaganti na hindi naman pinansin ni Carlo.

Malaki ang hinala ng pulisya na sumama ang loob ng suspek kay Carlo dahil nabitin ito at nagplanong gumanti.

Kaya’t pinasok nito ang bahay ng pamilya Carpentero at unang pinagsasaksak si Carlo at sinunod ang magulang nito at kapatid bago tumakas.

vuukle comment

ACIRC

ANG

APAT

BRGY

CARLO CARPENTERO

CARPENTERO

CONSUELO CARPENTERO

JEMAR CASTRO

NEGROS OCCIDENTAL

PUROK ROSE

SHIELLA MAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with