^

Police Metro

PNP-ASG binalaan vs tanim-bala

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Binalaan ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ricardo Marquez ang  PNP Aviation Security Group (PNP-ASG) sa pamumuno ni Chief Supt. Francisco Balagtas na  huwag makikipagsabwatan sa sindikato ng tanim-bala scam matapos na mabuking ang pagkakasangkot ng ilang mga tiwaling opisyal at miyembro ng Office of Transportation Security (OTS) na nagtatanim ng bala sa mga pasahero at hinihingan ng malaking halaga para hindi sampahan ng kaso.

Pinaalalahanan ni Marquez ang PNP-ASG na kabilang sa nangangalaga sa seguridad sa NAIA  na maging propesyonal at gawin ng tama ang kanilang mga trabaho at iwasan ang masangkot sa mga anomalya at eskandalo.

Nilinaw naman ni Marquez na hindi trabaho ng PNP-ASG ang pag-iinspeksyon ng mga bagahe ng mga pasahero dahilan sa OTS ang nangangasiwa dito at ang kaniyang mga tauhan ay sa seguridad lamang ng paliparan. Papasok lamang sa senaryo  ang PNP–ASG sa sandaling may mahuli ang mga tauhan ng OTS tulad ng mga eksplosibo, bala, baril at iba pa dahilan ang mga pulis ang nag-iimbestiga  at nagsasampa ng kaso sa korte.

vuukle comment

ANG

AVIATION SECURITY GROUP

BINALAAN

CHIEF P

CHIEF SUPT

DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ

FRANCISCO BALAGTAS

MARQUEZ

MGA

OFFICE OF TRANSPORTATION SECURITY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with