^

Police Metro

Misis binigti ng selosong mister

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inakala ng isang mister na lusot na siya sa  kaso matapos na siya pa mismo ang mag-report sa pulisya tungkol sa umano’y pagpapakamatay ng kanyang misis sa pamamagitan ng pagbibigti kamakalawa ng hapon sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Sta Lucia, Dasmariñas City, Cavite.

Subalit, nang masu­sing imbestigahan ay lu­malabas na pinatay pala nito ang kanyang misis matapos magkuwento ang paslit nitong anak sa pulisya.

Ang suspek na ina­resto ay kinilalang si Richan Bunyad, 28, cons­truction worker matapos na bigtihin nito ang misis na si Mary Joy, 30, kapwa residente ng Blk 86, excess lot ng nasabing lugar

Ayon sa pulisya, umaga ay ng mag-report sa himpilan ang suspek tungkol sa pagpapakamatay umano ng kanyang misis sa pamamagitan ng pagbibigti.

Nang tanungin ng pulisya ang 5-anyos na anak ay ikinuwento nito na nakita umano niya na sinasakal ng kanyang papa ang mama niya at pagkatapos ay tinalian ito ng kumot sa leeg bago itinali sa kanilang kisame.

Lumalabas na selos ang motibo ng pagpatay ng suspek sa misis.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

AYON

BRGY

CAVITE

DASMARI

INAKALA

MARY JOY

RICHAN BUNYAD

STA LUCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with