^

Police Metro

Bible study niratrat: 6 todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naging madugo ang pagdaraos ng isang Bible study sa isang detachment ng militar matapos na ito ay pagbabarilin ng isang nag-amok na sundalo na ikinasawi ng limang dumadalo habang nasawi din ang suspek nang siya ay pagbabarilin ng mga nagrespondeng kabaro kahapon ng umaga sa Upper Cabeng­beng, Su­misip, Basilan.

Namatay noon din sina 2nd Lt. Alvin Ebina; Corporal Robert Jondayran; Pfc Jessrell Calud;1st Lt Camlon  Martin Puao; Staff Sgt. Jonathan Galicto at ang suspek na kinilalang si  Corporal Taha.

Ang mga nasugatan ay nakilala namang sina 1st Lt. Pada Guingar; Technical Sgt. Gerry Cardoza, Sgt Anthony Bentoy, Pfc Elber Noble, Pfc Ruel Macalapay, Pfc Nelson Calambro, Pfc Junnel Cajote, Pfc Rolly Espanola Jr. at Pastor  Rolly Matson.

Si Taha ay may 12 taon na sa serbisyo at umano’y tila wala sa sarili  na may malalim na iniisip ng bumalik at magreport sa serbisyo, ilang oras bago naganap ang malagim na pagmasaker nito sa kaniyang mga kasamahang sundalo.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-8:45 ng umaga sa detachment ng Bravo Company ng Army’s 64th Infantry Battalion (IB) sa nasabing lugar ay abala sa Bible study ang grupo ng mga sundalo nang bigla na lamang dumating si Taha na may  bitbit na  M16 rifle at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang mga biktima.

vuukle comment

ACIRC

ALVIN EBINA

ANG

BRAVO COMPANY

CORPORAL ROBERT JONDAYRAN

CORPORAL TAHA

GERRY CARDOZA

INFANTRY BATTALION

JONATHAN GALICTO

LT CAMLON

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with