^

Police Metro

25 tiklo sa shabu tiangge

Francis Elevado - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umaabot sa 25-katao ang nasakote matapos sa­lakayin ng pangkat ng PNP at militar ang tinaguriang shabu tiangge sa Purok 1, Barangay 4 sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng umaga.

Armado ng 15-search warrants nang salakayin ng mga awtoridad ang compound na pinagpupugaran ng mga drug pusher at adik.

Kabilang sa nasakote ay sina Dennis Alem, 43, lider ng Alem Gang; at Janet Ibasco, miyembro naman ng Arana Gang.

Nasamsam naman ang 48 plastic sachets na shabu na may 26 gramo, pinatuyong dahon ng marijuana, dalawang cal. 38 revolver, mga bala ng baril at P135K cash.

Pansamantalang nakakulong ang mga suspek sa Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr. sa Barangay Dogongan sa bayan ng Daet.

vuukle comment

ACIRC

ALEM GANG

ARANA GANG

ARMADO

BARANGAY DOGONGAN

CAMARINES NORTE

CAMP WENCESLAO Q

DAET

DENNIS ALEM

JANET IBASCO

VINZONS SR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with