^

Police Metro

4-anyos nene nabaril ni ate, patay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Patay ang 4-anyos na nene matapos na aksidenteng mabaril ng kanyang ate habang naglalaro ng baril-barilan sa kanilang bahay sa Pagkabuhayan Street sa Barangay Bagbag, Novaliches sa Quezon City, noong Sabado ng hapon.

Sa ulat ni PO2 Julius Balbuena, naisugod sa Novaliches District Hospital ang biktimang si Jazzmine Jade Boholano bago inilipat sa Quezon City General Hospital kung saan ito namatay bandang alas-5:30 ng hapon.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente sa loob mismo ng kanilang bahay kung saan naglalaro ang magkapatid ng baril-barilan.

Nabatid na kinuha ng nakatatandang kapatid na babae ang improvised shotgun ng kanyang lolo kung saan aksidenteng nakalabit nito ang gatil­yo na sumapol sa dibdib ng biktima.

Narinig naman ng tiyuhing si Rogelio Tino ang malakas ng putok ng shotgun kaya mabilis na inusisa ang pinagmulan ng putok hanggang sa masalubong ang biktima na hawak ang duguang dibdib.

Samantala, hawak pa ng nakatatandang kapatid na babae ang shotgun na ginamit sa larong baril-barilan.

Gayon pa man, hindi na matagpuan sa crime scene ang shotgun na ginamit.

Dahil nasa ilalim ng Child in Conflict with the Law ang suspek  kaya hindi na rin pumayag ang mga magulang na mailagay sa kustodiya ng mga awtoridad ang anak matapos gumawa ng written statement.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY BAGBAG

DAHIL

JAZZMINE JADE BOHOLANO

JULIUS BALBUENA

NOVALICHES DISTRICT HOSPITAL

PAGKABUHAYAN STREET

QUEZON CITY

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

ROGELIO TINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with