^

Police Metro

Buntis inatado ng selosong lover

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Limang saksak sa tiyan ang tinamo ng isang 22-anyos na ginang na 6 buwang buntis mula sa kanyang selosong live-in partner na naganap kamakalawa sa Caloocan City.

Nasawi noon din ang biktimang si Cherry Ann Cornelio, ng #651 BMBA Compound, Brgy. 120, ng naturang lungsod, habang nasugatan sa kanang kamay ang anak nitong 2-anyos na babae.

Nadakip ang suspek na si Zaldy Onganion, 33, jobless, at naninirahan din sa naturang lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-12:00 ng tanghali noong Linggo nang mag-away sina Cornelio at Onganion nang akusahan ng huli na ang una ay nakikipagrelasyon sa ibang lalaki gayung ito ay buntis na.

Kumuha ng patalim ang suspek at paulit-ulit na pinagsasaksak ang biktima  habang nadamay din ang anak na babae na katabi ng kanyang ina. Nasaksihan naman ito ng 4-taong gulang na anak na lalaki ni Cornelio na siyang nagsumbong sa kanyang lolo na si Barangay Ex-O Rodolfo Cornelio kaya’t naaresto agad ito.

Nadala pa sa Tondo General Hospital si Cornelio ngunit nalagutan ng hininga dakong ala-1:30 ng hapon gayundin ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

vuukle comment

ANG

BARANGAY EX-O RODOLFO CORNELIO

BATAY

BRGY

CALOOCAN CITY

CHERRY ANN CORNELIO

CORNELIO

KUMUHA

LIMANG

TONDO GENERAL HOSPITAL

ZALDY ONGANION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with