^

Police Metro

Unfaithful lover tinodas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang lalaki na mayroon ng live-in partner ay nanliligaw pa sa isang dalaga matapos na siya ay  patayin ng nobyo kamakalawa ng gabi sa Brgy. Pogo, Ma­ngaldan, Pangasinan.

Ang nasawi ay kinila­lang si Reynaldo Ulanday, 55, may live-in partner  at residente ng Poblacion, San Fabian ng lalawigang ito.

Nagkaroon ito ng internal hemorrhage dahil sa mga sugat sa mukha at ulo sanhi ng pagpukpok ng mala­king tipak ng bato ng suspek na kinilalang si Andrew Velasquez, 26, binata.

Sa ulat ng Pangasinan Police, naganap ang insidente sa nabanggit na lugar dakong alas -9:00 ng gabi matapos umanong komprontahin ng suspek ang biktima sa panliligaw nito sa kaniyang nobya gayong may live-in partner na ito.

Sa gitna ng mainitang pagtatalo ay nagsuntukan ang dalawa hanggang sa mangibabaw ang lakas ng binata sa biktima na dinumog nito at pinagpupukpok ng malaking tipak ng bato sa ulo at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon ng pu­lisya na matinding selos ang nagtulak sa suspek para gawin ang nasabing krimen.

vuukle comment

ACIRC

ANDREW VELASQUEZ

ANG

BRGY

LUMILITAW

NAGKAROON

PANGASINAN

PANGASINAN POLICE

REYNALDO ULANDAY

SAN FABIAN

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with