^

Police Metro

Magkamag-anak na papuntang lamay…Bangka lumubog sa Pangasinan: 3 patay, 10 nasagip

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang pagtungo ng isang magkakamag-anak sa lamayan matapos na lumubog ang bangka de motor na kanilang sinaksakyan na ikinasawi ng tatlong tao naganap sa ilog ng Binmaley, Pangasinan.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Sheryl Soriano, 40; Renan Aquino, 36; at Rian Soriano, 24.

Unang narekober ng search and rescue team ng lokal na pamahalaan ang bangkay ng isa sa mga biktima noong Linggo ng gabi habang ang dalawa pa ay magkakasunod namang natagpuan noong Lunes ng umaga

Sa ulat ng Binmaley Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nangyari ang insidente noong Sabado ng gabi sa Camaley-Balogo River sa nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, maliit ang bangka na sinakyan ng mga biktima na pinasok ng tubig hanggang sa lumubog sa kalagitnaan nang malalim na ilog.

Ang mga biktima ay walang suot na life vest nang mangyari ang insidente at ang tatlong biktima ay tinangay ng malakas na agos. Habang masuwerte namang nakaligtas ang sampu.

Kasong reckless imprudence resulting to 3 counts of homicide ang isasampa operator at nagpapatakbo ng bangka bunga.

AKSIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with