^

Police Metro

Systems loss charge sa kuryente pursigidong matanggal ni Pangulong Marcos Jr.

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Palace Press Officer Claire Castro na pursigido si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matanggal ang systems loss charge sa singil sa kuryente sa halip na Value added Tax (VAT) lang.

Naua nang nagpalabas ang Bureau of Internal Revenue (BIR)  na hindi na dapat magpataw ng VAT sa system loss charge sa kuryente.

Giit ni Castro, na bagama’t marami ngayong trabaho ang kongreso alam din nila ang prayoridad sa panukalang batas ng Pangulo.

Noong bitiwan aniya ng Pangulo ang isyu sa kanyang SONA ang tungkol sa pagtatanggal ng system loss charge ay maraming mambabatas ang positibo dito.

Kaya maraming mambabatas aniya ang nagpatawag ng pagdinig tungkol dito ilang araw matapos ang SONA para malaman kung ano ang mga dapat tanggaling bayarin sa kuryente, ano ang dapat alisin sa maling kwenta para maamyendahan ang EPIRA law.

Nilinaw ni Castro na sa ngayon ay wala pang napapag-usapan kung paano babawiin ang P10 bilyon na mawawala sa buwis kapag tinaggal na ang system loss charge sa kuryente.

Subalit, marami aniyang paraan ang BIR at Department of Finance para magkaroon ng pondo na pwedeng panagot sa mawawalang P10 bilyon.

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with