^

Police Metro

Solon at anak, makikipagtulungan sa Ombudsman probe sa road project case

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Handa umano sina Surigao del Norte 1st District Representative Francisco “Lalo” Matugas at anak nitong si dating kinatawan Francisco “Bingo” Matugas II na makipagtulungan at igagalang nila ang Office of the Ombudsman sa imbestigasyon sa mga alegasyong may kaugnayan sa Mahayhay-Tuburan Road project sa Del Carmen, Surigao del Norte.

Ayon sa mag-ama, handa nilang sagutin ang mga alegasyon at ilahad ang kanilang panig sa tamang proseso, kabilang ang pagsusumite ng mga dokumento at ebidensyang makatutulong sa paglilinaw ng isyu.

Iginiit nila na dapat suriin ang mga alegasyon batay sa kumpletong rekord ng proyekto at hindi lamang sa mga pahayag o impormasyong lumabas sa publiko.

Sinabi rin ng mag-amang Matugas na ang preliminary investigation ang tamang proseso upang mapakinggan ang kanilang panig at masuri nang maayos ang mga dokumento at ebidensya. Hindi rin nila nais pangunahan ang magiging resulta ng imbestigasyon at hahayaan ang Ombudsman na gampanan ang mandato nito. “Buo ang aming tiwala sa Ombudsman at handa kaming sagutin ang mga alegasyon at ilatag ang aming panig,” saad ng mag-ama, sabay giit na “hahayaan magsalita ang mga dokumento at ebidensya sa tamang panahon.”

OMBUDSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with