^

Police Metro

Hindi natinag sa ‘TSONA’ ni Binay... LP ‘show of force’ kay Roxas

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ipinakita ng mga mi­yembro ng Liberal Party ang kanilang puwersa para sa kandidatura ni outgoing DILG Secretary Mar Roxas, isang araw matapos ilahad ni Vice Presidente Jejomar Binay ang kanyang True State of the Nation Address o TSONA.

Nasa mahigit 1,000 lokal na opisyal na mi­yembro ng LP ang dumalo sa  pagtitipon ng partido kahapon  sa San Juan para sa kandidatura ni Roxas.

Tila pagpapakita ng puwersa ang naging pagtitipon na dinaluhan ng mga matataas na opisyal tulad ni Senate President Frank Drilon at mga LP mayors sa Metro Manila at daan-daan pang mga gobernador at alkalde mula sa iba’t-ibang lugar sa bansa at isa  dito ay si Gov. Bombit Adiong ng Lanao del Sur na sinabing “ARMM is for Mar Ro­xas,”

Kasama rin sa pagpupulong sina Congresswoman Leni Robredo at Batangas Governor Vilma Santos na sinasabing parehong napipisil na maging running mate ni Roxas.

Ipinakita kahapon ni Pangulong Aquino ang todo-todong suporta kay  Roxas matapos surpresang dumalo ito sa pagtitipon para ipakita ang 100 percent nitong suporta sa manok ng administrasyon na kanyang inendorso kamakailan lang. Wala sa official schedule ni Pangulong Aquino ang pagdalo sa nasabing event.

Hinimok ng Pangulo ang mga kapwa mi­yembro ng LP na sama-samang suportahan si Roxas para hindi masayang ang mga nasimulan na sa Tuwid na Daan.

Inihayag ni Pangulong Benigno Aquino III sa mga local government unit executives, miyembro ng LP at mga mambabatas na puwede na siyang magretiro dahil nakikita niyang nasa magandang kamay naman ang bansa sa hinaharap matapos niyang inendorso si DILG Sec. Mar Roxas bilang manok ng administrasyon sa 2016 elections.

Nagpasalamat din si P-Noy sa mga dumalo sa pagtitipon upang ipakita ang suporta kay Roxas, dahil ito din ang mga taong kasama niya sa pagsisimula ng tuwid na daan ng tumakbo siyang pangulo noong 2010.

Pinatutsadahan din ni P-Noy na hindi pinapa­ngalanan sina Vice President Jejomar Binay at Sen. Grace Poe sa kanyang speech.

Inisa-isa din ng Pa­ngulo ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa loob ng 5 taon na nakinabang ang samba­yanang Filipino at hindi lamang ito pangako kundi katotohanan na tila patama kay Binay.

Inilarawang may na­ngunguna sa survey pero hindi pa naman daw ‘hinog’ na halos patungkol kay Poe habang ang iba naman ay walang inilalatag na solus­yon kundi puro batikos lang na patama naman kay Binay.

Magugunita na binatikos ni Binay sa kanyang TSONA ang administrasyong Aquino na inulit lang ang mga dati ng ibinatong akusasyon na manhid at palpak.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS

BINAY

BOMBIT ADIONG

CONGRESSWOMAN LENI ROBREDO

GRACE POE

MGA

PANGULONG AQUINO

ROXAS

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with