^

Police Metro

Binatilyo ‘hinalay’ ng kaibigan sa hotel

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi sukat akalain ng isang 17-anyos na binatilyo na ang kaibigan niyang lalaki ay may pagnanasa pala sa kanya matapos na siya ay tangkang gahasain sa loob ng hotel na kanilang tinuluyan sa Quezon City.

Batay sa pahayag ng biktima na itinago sa pa­ngalang John, na bago ang insidente noong Linggo ng alas-7:30 ng umaga sa loob ng Oracle Residence Hotel na matatagpuan sa Katipunan Avenue, Brgy. Loyola Heights ay duma­ting ang una at suspek na si Rolando Calomarde, 23 ng Lot 1,Woodberry Drive Salvador Extension, La­ngaon, Cebu City mula sa nasabing lalawigan dahil inimbitahan ang una ng coach ng Ateneo Volleyball team para mag-try out.

Sinabi ng biktima na isang kuwarto lang ang inupahan nila ng suspek na apat na buwan na nitong kaibigan kaya’t magkatabi silang natulog.

Nagising ang biktima sa mahimbing na pagka­tulog nang naramdamang niyang hinahalikan siya ng suspek sa leeg habang hawak ang kanyang ari.

Mabilis na tinawagan ng biktima ang kanyang tatay sa Cebu na tumawag naman sa front desk ng hotel at umaksyon ang duty hotel officer na si Sergio Rubio at inaresto ang suspek at  dinala himpilan ng pulisya.

Ang suspek ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 7610 o child abuse at acts of lasciviousness.

 

vuukle comment

ATENEO VOLLEYBALL

CEBU CITY

DRIVE SALVADOR EXTENSION

KATIPUNAN AVENUE

LOYOLA HEIGHTS

ORACLE RESIDENCE HOTEL

QUEZON CITY

REPUBLIC ACT

ROLANDO CALOMARDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with