^

Police Metro

Pero pag-aaralan pa ng Malacañang... P-noy dapat mag-sorry-FVR

Joy Cantos, Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa paniniwala si dating Pangulong Fidel V. Ramos ay kailangang humingi ng tawad siPangulong Noynoy Aquino matapos ang ope­rasyon sa Mamasapano na ikinasawi ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF).
Sa isang pulong balitaan ay iginiit ni FVR na umiiral ang chain of command sa Philippine National Police (PNP), sinabi rin nitong kailangang akuin ni P-Noy ang responsibilidad sa madugong insidente.

Idinagdag pa ni FVR na kung magso-sorry si ­P-Noy ay mababawasan ang hinanakit ng taumbayan, na nagsimula anya sa hindi pagdalo ng Pangulo sa pagdating ng labi ng SAF 44 sa Villamor Airbase noong Enero 29.

Anya, posibleng maging susi ang pagso-sorry ni P-Noy sa pagbubuklod muli ng umano’y unti-unti nang nagkakawatak-watak na hanay ng pulisya, militar at Simbahan na sinasabing idinulot ng Mamasapano incident.

Dapat anyang gawin ni PNoy ang naturang hakbang bilang commander in chief.

Binanggit din ni FVR na posibleng masampahan ng reklamo si PNoy pagkababa sa pwesto.

Inihayag naman ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na pag-aaralan pa ng Malacañang kung dapat humingi ng public apology si Pangulong Aquino kaugnay ng payo ni dating pangulong Ramos.

Ayon kay Sinabi ni Usec.Valte sa media  briefing kahapon, inamin na mismo ni Pangulong Aquino ang responsibilidad sa sinapit ng SAF 44 sa kanyang national address pagkatapos ng Mamasapano incident.

Wika pa ni Valte, hindi pa napag-uusapan kung nararapat pa  bang humingi ng sorry si Pangulo sa pamilya ng SAF 44 at taumbayan hinggil sa Mamasapano incident.

vuukle comment

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

MAMASAPANO

NOYNOY AQUINO

P-NOY

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG FIDEL V

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RAMOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with