^

Police Metro

Tinukso ng supot…. ate pinabulagta ng utol

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinarakan ng tatlong beses ang isang 45-anyos na babae nang mapikon ang nakababatang kapatid na tinawag niyang “supot” sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang biktimang si Bernadeth Nakpil, residente ng  No. 2330 Del Rosario st.Gagalangin, Tondo, Maynila ay dead-on-arrival sa Tondo General Hospital dahil sa malalalim na saksak na tinamo nito mula sa kapatid na suspek na si Bienvenido Gregorio, 44.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section naganap ang insidente dakong alas 8:00 ng gabi sa gate ng kanilang bahay. Bigla na lang umanong tinawag ng biktima ang suspek na “supot” habang ito ay nasa labas ng bahay kaya pinagtawanan ng mga kapit-bahay na nakarinig sa biktima.

Dahil dito, pumasok na lamang ng bahay ang suspek at kumuha ng kutsilyo, binalikan ang kapatid na nakatayo pa sa gate ng kanilang bahay at inundayan ng tatlong beses bago umakyat sa kaniyang bahay.

Naiwang duguan ang biktima na nagawa namang saklolohan ng mga kapit-bahay subalit hindi na umabot ng buhay sa ospital.

vuukle comment

BAHAY

BERNADETH NAKPIL

BIENVENIDO GREGORIO

BIGLA

DAHIL

DEL ROSARIO

GAGALANGIN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

TONDO GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with