^

Police Metro

Ama kinatay ang kaaway ng anak

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil gustong maipagtanggol ang anak, pinagsasaksak ng isang 49 an­yos na ama ang kanyang kapitbahay na nakasuntukan ng anak sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Nakapiit na  sa  Manila Police District-Homicidee Section detention cell ang suspek na si Fernando Enario, residente ng Room 524, Bldg. 7, Permanent Housing, Tondo. Namatay naman sa Tondo Medical Center ang biktimang si Rogelio Sonza, 32, dahil sa mga tama ng saksak sa kanyang katawan.

 Sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas 2:00 ng hapon sa labas ng bahay ng suspek. Hindi umano nakayanan ng suspek na makita ang anak na binubugbog ng biktima habang pinipigilan ang mga kamay nito.

Inaalam pa kung anong ugat ng galit ng biktima sa anak ng suspek.
Una ng umalis ng bahay ang biktima kahit pinapasok ito ng kaniyang kalive-in sa trabaho at nagdahilan na lamang na pupunta sa Happyland. Ngunit nang makita ang anak ng suspek na nasa labas ng bahay ay mabilis na nagkasuntukan ang mga ito.

vuukle comment

DAHIL

FERNANDO ENARIO

HAPPYLAND

INAALAM

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDEE SECTION

MAYNILA

PERMANENT HOUSING

ROGELIO SONZA

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with