^

Police Metro

Patay kay ‘Seniang’ nasa 62 na

Pang-masa

MANILA, Philippines - Umakyat na sa 62 katao ang nasasawi sa bagyong Seniang sa mga naapektuhang lugar sa Visayas at Mindanao.

Sa Catbalogan City, Western Samar ay nasa 22 katao na ang narekober na bangkay.

Habang sa lalawigan ng Leyte ay nasa 16 ang nasawi at apat ang nawawala.

Nasa 12 katao ang namatay sa  Region VII kabilang dito ay 10 katao na nalunod sa flashflood sa bayan ng Rond, Cebu; isang bata ang nalunod sa Alcantara at isang magsasaka na tinangay ng malakas na alon sa bayan naman ng San Francisco.

Tatlo naman ang nasawi matapos makuryente at malunod sa Bohol, dalawa ang nalunod sa Compostela Valley, dalawa ang nalunod sa Bukidnon at isa naman sa trauma matapos na matumba ang punong kahoy, isa ang namatay sa pagkalunod sa Tagaloan, Misamis Oriental, isa ang nasawi sa landslide sa Butuan City at isa naman ang nalunod sa Agusan del Norte.  Isa pang babae ang nawawala naman sa Antiquera, Bohol.- Joy Cantos-

 

vuukle comment

AGUSAN

ANTIQUERA

BOHOL

BUTUAN CITY

COMPOSTELA VALLEY

JOY CANTOS

MISAMIS ORIENTAL

SA CATBALOGAN CITY

SAN FRANCISCO

WESTERN SAMAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with