^

Police Metro

Kelot kinatay sa araw ng pasko

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tila kinatay na baboy ang isang 43-anyos na lalaki at halos mapigtas ang leeg at tadtad ng taga ang katawan at mga kamay  sa  Sampaloc market, panulukan ng Legarda at Bustillos sts., sa Sampaloc, Maynila, hapon ng mismong araw ng Pasko (Disyembre 25).

Kinilala ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktimang si Daniel Dwyer Valeros,  residente ng No. 1285 Lardizabal  st., Sampaloc, Maynila, habang ang suspek ay nakilala lang sa pangalang “Bitoy”.

Batay sa ulat ng pulis­ya dakong alas - 5:10 ng hapon nang madiskubre ng ilang istambay sa palengke  na duguan at nakalugmok ang biktima sa Sampaloc market, malapit sa isang branch ng kilalang food chain store sa Guidote st., panulukan ng Bustillos st, sa Sampaloc. 

Huling nakita ang suspek  na nakikipag-inuman sa grupo ng mga kalalakihan sa nasabing lugar at posibleng may kargador o helper na nakapikunan umano ang biktima kaya may armas ng dala ang suspek.

Sa ngayon ay iniim­bestigahan ang tunay na motibo ng krimen at ang tunay na pagkakakilanlan ng suspek.

vuukle comment

BATAY

BITOY

BUSTILLOS

DANIEL DWYER VALEROS

DISYEMBRE

GUIDOTE

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with