^

Police Metro

Lolang senglot inatado ng bagets

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Patay na nang matagpuan sa kalsada ang isang 68-anyos na lola sa may eskinita sa Brgy. North Fairview, Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima ay kinilalang si Violeta Garcia na  duguan ang ulo, nangingitim ang leeg na mistulang sinakal at nakalilis ang leggings nang makitang nakahandusay malapit sa bahay nito.

Bukod dito ay nagtamo ang biktima ng mga sugat mula sa pananaksak na ikinamatay nito.

Sa salaysay ng pa­nganay na anak ng biktima, na bago natagpuang patay ang ina dakong alas-3:15 ng madaling-araw ay kainuman pa nilang magkakapatid  ito.

Pero, umalis ang kanilang ina at hinagilap pa nila dakong hatinggabi ngunit hindi na nakita.
Dinampot naman ang isang 17-anyos na binatilyo na kapitbahay ng biktima ng mga barangay tanod, at pagdating sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ay umamin ito sa pagpatay sa matanda.

Sa salaysay ng suspek na nagawang patayin ang biktima nang ito ay pumasok sa loob ng kanilang bahay.

Dahil nakainom ang suspek at madilim sa loob ng kanilang bahay ay inakala niyang masamang tao ito dahilan para pagsasaksakin niya at nang mapatay ay kinaladkad palabas ng kanyang bahay at iniwan sa nasabing lugar.

Sa ginawang pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) nakita ang mga tama ng saksak sa iba’ -ibang parte ng katawan ng biktima na siyang ugat ng pagkamatay nito.

Una nang sinabi ng mga tanod na maraming kabataan ang gumagamit ng ilegal na droga sa kanilang lugar.

Nai-turn over na sa Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD) ang binatilyo at nakahandang sampahan ito ng kaso ng pamilya ng biktima.

vuukle comment

BIKTIMA

BRGY

BUKOD

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVE

NORTH FAIRVIEW

QUEZON CITY

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

VIOLETA GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with