^

Police Metro

Pick-up sumalpok sa puno at pader... 4 tepok, 2 kritikal sa salpok

Joy Cantos at Francis Elevado - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang apat katao habang malubhang nasugatan ang dalawang iba pa matapos ang sinasakyan nilang pick-up ay sumalpok sa puno at pader kahapon ng madaling-araw sa highway ng Vinzons, Camarines Norte.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jhed Rayven Malubay de Guzman, 12; Matthew Abiel Go de Leon,14; pawang mga apo ni Camarines Norte Provincial Board Member Teresita Malubay; Raisa Antoinette Azanza, 25, nurse; at Jack Dacuba.

Ang mga nasugatan naman ay sina Kevin Villamonte, 25, binata ng Happy  Homes Greenview Subdivision, Daet, driver ng Toyota Hi-Lux pick-up (UXI-886); at Rosalyn Tuazon, 25, nurse, residente ng lungsod ng Maynila.

Sa ulat ng Vinzons-PNP, dakong alas-12:15 ng madaling-araw ay binabagtas ng pick-up galing sa bayan ng Daet papuntang bayan ng Labo ang kahabaan ng Maharlika highway, pagsapit sa Sitio Lico, Barangay Sto. Domingo tapat ng Camarines Norte provincial motor pool ay nawalan umano ng kontrol si Villamonte sa manibela dahil sa basa ang kalye dulot ng malakas na ulan kaya’t humampas ito sa isang malaking puno at bumangga sa pader ng motor pool.

Isinugod ang mga biktima sa pagamutan, subalit nasawi ang apat.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.

vuukle comment

BARANGAY STO

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE PROVINCIAL BOARD MEMBER TERESITA MALUBAY

DAET

HOMES GREENVIEW SUBDIVISION

JACK DACUBA

JHED RAYVEN MALUBAY

KEVIN VILLAMONTE

MATTHEW ABIEL GO

RAISA ANTOINETTE AZANZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with