^

Police Metro

Cayetano: Binay aatras sa debate vs Trillanes

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang patuloy na pag-isnab ni Vice President Jejomar Binay sa imbes­tigasyon ng Senado ang nakikita ni Senador Alan Peter Cayetano na aatras ito sa one-on-one debate kay Sen. Antonio Trillanes.

Ito ang sinabi ni Ca­yetano sa isang pana­yam sa radyo kung saan magiging moderator ang Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP).

“Oo (aatras si Binay) pati naman sa hearing. Sinabi niya ‘pag inimbitahan siya nung main committee at mag-a-attend ‘yung ibang senador, e dadating siya. E inimbitahan na siya ni Senator [TG] Guingona, wala na naman,” sabi ni Cayetano.

Naniniwala rin si Ca­yetano na dapat ay kay da­ting Vice Mayor Ernesto Mercado maki­pagdebate si Binay lalo pa’t ito ang na­ging daan sa pagbubunyag ng mga sinasabing ari-arian ng bise presidente.

Naniniwala rin si Cayetano na bagaman at hindi abogado si Trillanes, may laban ito kay Binay dahil wala umano itong itinatago at nais lamang ilabas ang katotohanan at mas makakabuti kung magdesisyon si Binay na humarap sa hearing sa Senado upang sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

BINAY

CAYETANO

NANINIWALA

SENADO

SENADOR ALAN PETER CAYETANO

SHY

VICE MAYOR ERNESTO MERCADO

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with