^

Police Metro

Sibilyan dedo sa 2 pulis na nagbarilan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang sibilyan nang ito ay tamaan ng ligaw na bala mula sa dalawang pulis na nagbarilan kamakalawa sa Brgy. Mahabang Parang, Angono, Rizal.

Namatay noon din ang biktimang si Isidro Magpali, 47, nang tamaan ng bala sa dibdib.

Nasa kustodya na ng Angono Police ang dalawang pulis na nagbarilan na kinilalang sina Superintendent Wilson Magpali, hepe ng Cavite Anti-Drug Unit at SPO1 Edison Descalsota, 50, ng  Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Camp Crame at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon ay ga­ling sa bundok si Supt. Magpali, kasama ang tiyu­hing si Isidro para bumisita sa isang kaanak sa lugar nang matapat sila sa bahay ni Descalsota na noon ay nakikipag-inuman sa ilang sibilyan dahil sa birthday at binyag na ipinagdiriwang sa kanilang tahanan.

Sinumpong umano nang pag-ihi si Isidro kaya’t umihi ito sa kotse ni Descalsota, na siyang ikinagalit ng huli at sinita ang biktima.

Pinakialaman ni Wilson ang pagsita sa biktima hanggang sa sila ay magtalo na nauwi sa barilan na ikinasawi ni Isidro.

Nabatid na kalibre .45 na baril ang ginamit ni Descalsota habang .9mm pistol, shotgun at M16 naman ang kay Wilson.

 

vuukle comment

ANGONO POLICE

CAMP CRAME

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DESCALSOTA

DRUG UNIT

EDISON DESCALSOTA

ISIDRO

ISIDRO MAGPALI

MAHABANG PARANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with