^

Police Metro

Tatay pinatay ang 3 anak, biyenan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa mismong araw ng pagdiriwang ng ikaanim na taon ng isang batang babae pinatay siya ng sariling ama at dinamay pa ang dalawang ka­patid at lola, bago nagpakamatay ang tatay na naganap kamakalawa sa Catmon, Cebu.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Stephanie Nicole Figues, nagdiriwang ng ika-6 na kaa­rawan, mga kapatid na sina John Eric, 4 at Erica Lynn, 1 at 10 buwan at lola nilang si Emilda Molad, 47.

Nagsaksak naman sa sarili ang suspek na si Eric Figues matapos mapatay ang tatlong anak at biyenang babae.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong ala-1:30 ng hapon sa Brgy. Panalipan, Catmon, Cebu ay kasalukuyang naghahanda ng pagkain ang nasawing si Lola  Emilda at mister nitong si Lolo Josepher, 58, para sa ika-anim na kaarawan ng kanilang apo na si Stephanie nang maka­rinig ng sigaw  na “Ma, Pa, patawarin ninyo ako”.

Kinabahan ang mag-asawa at napatakbo ito sa bahay ng mga apo na tatlong metro lamang ang layo sa kanilang bahay at dito na bumungad ang suspek sa may pintuan na hawak ang duguang patalim habang pinagsasaksak ang tatlong anak.

Nagpumilit naman ang biyenang babae ng suspek na pumasok upang pigilan ito kaya pinagsasaksak din ito habang ang kaniyang mister ay nagtatakbo para hu­mingi ng tulong sa kanilang mga kapitbahay.

Nang respondehan ang lugar ay nakita na patay na rin ang suspek matapos na saksakin ang sarili.

Hinala ng mga otoridad na naburyong ang mister na isang adik at dagdag pa rito ang pagseselos dahil sa naba­balitaan nito na may ibang lalaki ang misis na nagtratrabaho sa Mactan Export Processing Zone sa Lapu-Lapu City.

 

vuukle comment

CATMON

CEBU

EMILDA MOLAD

ERIC FIGUES

ERICA LYNN

JOHN ERIC

LAPU-LAPU CITY

LOLO JOSEPHER

MACTAN EXPORT PROCESSING ZONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with