^

Police Metro

Tinedyer patay sa kuryente

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay sa maling akala ang isang 13-anyos na binatilyo nang hatakin nito ang isang kawad ng kuryente para ipantali sa kambing at nang hawakan at hilahin ay nagkikisay ito naganap kamakalawa sa Brgy. Lipacan, Mala­ngas, Zamboanga Sibugay.

Ang nasawi ay kinilalang si Jayson Singol, Grade III pupil, nagtamo ng 2nd  degree burn sa katawan.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, bago naganap ang insidente dakong alas-6:30  ng gabi sa bisinidad ng itinatayong bahay ng tiyuhin ng biktima na si Roque Galvi sa nasabing lugar ay nagtungo doon ang biktima kasama ang pinsan nitong si Ramil Galvi, 11 at pagkatapos ng ilang oras ay umuwi na ito.

Habang naglalakad ay napansin ng biktima ang nakalaylay na kawad na inakala nitong pantali sa kambing kaya’t hina­wakan nito at hinila.

Subalit, bigla na lamang nagkikisay si Roque matapos na duma­loy sa katawan nito ang malakas na boltahe ng kuryente mula sa nakaladlad na live wire ng ZAMSURECO (Zamboanga del Sur Electric Cooperative).

vuukle comment

BRGY

HABANG

JAYSON SINGOL

LIPACAN

POLICE REGIONAL OFFICE

RAMIL GALVI

ROQUE GALVI

SUR ELECTRIC COOPERATIVE

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with