^

Police Metro

Kotse vs LPG trailer truck: 2 todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Idineklarang dead on arrival sa ospital ang dalawang katao habang dalawa ang malubhang nasugatan nang aksidenteng magbanggaan ang isang kotse at kasalubong nitong LPG trailer tanker kahapon ng umaga sa highway ng Mariveles, Bataan.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Rayland Macapulay at Jerry Orilla, 50.

Nilalapatan naman ng lunas sa pagamutan ang mga nasugatang sina Rachel Samong, 25 at Richard Peñaflor ng Limay, Bataan.

Sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-6:00 ng umaga sa kahabaan ng Roman Highway, Doña Nene, Brgy. Alasasin sa nasabing bayan ay kasalukuyang binabagtas ng LPG trailer truck na minamaneho ni Domingo Danozo, 59, kasama ang pahinanteng si Joeyshir Suliva, 34 nang aksidenteng makabanggaan nito ang kasalubong na Nissan Sentra (UPR-824) na minamaneho ni Macapu­lay sakay  ang nasawi ring si Orilla at ang dalawang sugatang sina Samong at Penaflor.

Nabatid na masyado umanong mabilis ang takbo ng Nissan Sentra hanggang sa bumangga ito sa unahang bahagi ng LPG trailer tanker.

vuukle comment

DOMINGO DANOZO

JERRY ORILLA

JOEYSHIR SULIVA

NISSAN SENTRA

RACHEL SAMONG

RAYLAND MACAPULAY

RICHARD PE

ROMAN HIGHWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with