^

Police Metro

Pulis, anak at isa pa tiklo sa droga

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinakip ng mga otoridad ang tatlong katao na kinabibilangan ng isang pulis at anak nito nang makumpiskahan ng mga illigal na droga at mga armas sa isang raid sa Nueva Ecija.

Ang mga suspek ay kinilalang sina PO1 Danilo Ingalla Jr., 42, mi­yembro ng Caloocan City Police, anak na si Danilo III, 20, kapwa ng Barangay Zamora, Santa Rosa, Nueva Ecija; at Ryan Julian, 36, ng  Barangay Sumacab Sur, Cabanatuan City ng lalawigan.

Sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon nang ares­tuhin ang tatlong suspek ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 3 (PDEA RO3) Municipal Police Station, Provincial Public Safety Company-Nueva (PPSC-NEPPO) at Provincial Intelligence Branch (PIB)-NEPPO) matapos mag-isyu ng search warrant si Judge Cielitolindo Luyun ng RTC Branch 36, Gapan City Nueva Ecija sa bahay ng mga ito.

Narekober ang apat na sachets ng shabu, drug paraphernalias, isang ca­liber 5.56 Colt AR-15 A2 M16 rifle na may isang magazine na may 20 pirasong bala; dalawang  magazine ng M16 na may 31 piraso ng bala, tatlong karton ng bala ng caliber 5.56 na may 82 piraso ng bala, isang high-capacity magazine para sa caliber.45 na may walong piraso ng bala, at isang 12-gauge shotgun.

vuukle comment

BARANGAY SUMACAB SUR

BARANGAY ZAMORA

CABANATUAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DANILO INGALLA JR.

GAPAN CITY NUEVA ECIJA

JUDGE CIELITOLINDO LUYUN

MUNICIPAL POLICE STATION

NUEVA ECIJA

PROVINCIAL INTELLIGENCE BRANCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with