^

Police Metro

Obrero dedo sa hataw ng baseball bat

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Basag ang bungo ng isang 33-anyos na obrero matapos  hatawin ng dalawang beses ng baseball bat sa ulo ng isang empleyado na kanyang nakasagutan kahapon ng umaga sa Paco, Maynila.

Kinilala ang nasawing si  Danilo Pecayo, pintor sa isang construction site,  at residente ng no. 1340 A.  Burgos St., Paco, Maynila.

Wala pang pagkakakilanlan sa suspek na pumalo sa biktima na umano ay empleyado sa Lawis Gym Equipment na tumakas kasama ang tatlo pang lalaki.

Sa pahayag ng isang nagtitinda ng diyaryo na nakita niyang nagbabatuhan ang biktima at ang suspek na taga-Lawis Gym dakong alas-7:30 ng umaga  hanggang sa muli niyang makita na may hawak na ang suspek na stainless na baseball bat at may kasamang tatlong lalaki.

Hinabol ng mga ito ang biktima  at nang maabutan sa   panulukan ng Pedro Gil at President Quirino Avenue, Paco ay pinukol ang una ng bato ang lalaki na may dalang baseball bat.

Dito na umatake ang suspek at pinalo ng baseball bat sa ulo ang biktima at bumagsak. Nang mu­ling tatayo ang biktima ay muli itong hinataw sa ulo at hindi na nakaba­ngon pa.

Dinagdag pa ng testigo na habang nagbabatuhan ay nagpapalitan ng salita ang suspek at biktima sa salitang “Bisaya” kaya hindi niya naintindihan kung ano ang pinag-aawayan.

 

vuukle comment

BASAG

BURGOS ST.

DANILO PECAYO

LAWIS GYM

LAWIS GYM EQUIPMENT

MAYNILA

PEDRO GIL

PRESIDENT QUIRINO AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with