^

Police Metro

Estudyante nakuryente tigok

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa sobrang adbenturero, nakuryente at namatay ang isang 15-anyos na binatilyo nang aksidente nitong mahawakan ang “live wire’ ng poste sa paanan ng tulay sa Las Nieves, Agusan del Norte kamakalawa.

Ang  biktimang si John Lowie Rosales, Grade VI pupil sa Mat-I Elementary School at residente ng Purok 3, Brgy. Pinanaan, Las Nieves ng lalawigang ito ay idineklarang dead on the spot dahil sa lakas ng boltahe ng kuryente na pumasok sa katawan nito.

Sa ulat, sinabi ni Supt-Romaldo Bayting, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 13, naganap ang insidente pasado alas -12 ng tanghali sa paanan ng tulay ng Purok 4, Brgy. Pinanaan ng bayang ito, kung saan papauwi na umano ang biktima ng madaanan nito ang ‘live wire’  na nakabit sa poste ng kuryente  at saka kinalikot.

Kasalukuyan na ngayong nakaburol ang bangkay ng biktima sa kanilang tahanan kaugnay ng paghahatid dito sa kaniyang huling hantungan.

 

vuukle comment

AGUSAN

BRGY

DAHIL

JOHN LOWIE ROSALES

LAS NIEVES

MAT-I ELEMENTARY SCHOOL

PINANAAN

POLICE REGIONAL OFFICE

PUROK

SUPT-ROMALDO BAYTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with