^

Police Metro

Tatakbong Pangulo sa 2016: Kahit nakakulong Sen. Bong, ‘buo ang loob’

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Buo ang loob’ ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na ituloy ang pagtakbo sa 2016 pre­sidential race kahit nakakulong ito tulad ng ginawa noong 2007 elections ni Sen. Antonio Trillanes lV.

Sinabi ni Sen. Bong, desidido na siyang tumakbo sa  2016 presidential elections  lalo pa’t  luma­lakas ang pana­wagan na tumakbo siya bilang pangulo.

Ayon kay Revilla, sakaling makulong siya gagawin niya ang ginawa  ni Trillanes na may mga ibang kasamahan na nagpapaliwanag  sa kanyang pagkakulong.

Si Trillanes ay nakulong ng mahigit pitong taon sa ilalim ng administrasyon ni  dating Pa­ngulo at ngayon Pampanga Rep.Gloria Macapagal-Arroyo pero kumandidato noong 2007 election at pinalad na manalo.

Aniya, sa ngayon habang  wala pa ang arrest warrant laban sa kanya ay mag-iikot na siya sa mga lalawigan para ipaliwanag  ang kanyang kaso.

Sinabi pa nito na tulad nina Senators Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada naka-impake na rin ang kanyang mga gamit  at hindi  na niya  hihintayin pang  arestuhin bagkus  ay kusa siyang susuko sakaling ilabas na ang mandamento de aresto.

Ang  tatlo ay sinampahan ng kasong plunder dahil nakinabang umano sa P10-bilyong pork barrel na inuugnay naman kay Janet Lim-Napoles.

 

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

JANET LIM-NAPOLES

JINGGOY ESTRADA

PAMPANGA REP

REVILLA JR.

SENATORS JUAN PONCE ENRILE

SI TRILLANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with