^

Police Metro

Lola na lumpo utas sa sunog

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang isang Lola na lumpo o hindi makalakad, sa sunog na naganap sa San Juan City kahapon.

Ang biktima ay kinilalang si Remedios Rodriguez Co, 85 at residente ng Blumentritt St. corner R. Pascual St., Barangay Batis, San Juan.

Batay sa ulat ng San Juan Police, pasado ala-1:00 ng hapon nang maganap ang sunog sa tahanan ng biktima.

Sinasabing hindi umano nakakalakad ang biktima kung kaya’t hindi nito nagawang lumabas ng bahay nang maganap ang sunog.

Ayon sa pulisya, smoke suffocation ang ikinamatay ng biktima makaraang makulong sa loob ng kuwarto nito.

Inaalam pa ng mga arson investigator ang pinagmulan ng sunog, gayundin ang halaga ng mga ari-arian na natupok sa sunog, na umabot lamang ng ikalawang alarma at idineklarang fire out dakong alas-2:00 ng hapon.

 

vuukle comment

AYON

BARANGAY BATIS

BATAY

BLUMENTRITT ST.

INAALAM

PASCUAL ST.

REMEDIOS RODRIGUEZ CO

SAN JUAN

SAN JUAN CITY

SAN JUAN POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with