^

Police Metro

Kotse vs tricycle: 4 dedo, 3 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat katao ang nasawi habang tatlo pa ang malubhang nasugatan nang  aksidenteng magbanggaan ang isang humaharurot  na kotse at kasalubong nitong  tricycle sa kahabaan ng highway ng Brgy. San Agustin, Ibaan, Batangas nitong Huwebes ng umaga.

 Sa ulat ni Sr. Inspector Ramises de Castro, hepe ng Ibaan Police, kinilala ang mga nasa­wing biktima na sina Glenn Minas, Ferdinand Uy, Bernie Supnit, 35 anyos; pawang dead-on-arrival sa Queen Mary Hospital at Nina Gariando na namatay din habang ginagamot sa nasabing ospital.

Patuloy naman gina­gamot sa ospital ang mga sugatang sina Lovely May Castillo, 15; Dianne Boliva, 16 at Jomar Sanchez, 21 anyos.

Base sa imbestigas­yon, sinabi ni De Castro na kasalukuyang bumabagtas ang Honda Civic (WHJ 577) na minamaneho ni Uy sa natu­rang highway ng mangyari ang trahedya dakong alas-8:20 ng umaga. Nabatid na ga­ling sa Rosario, Ba­tangas ang nasabing Honda Civic at patungong Ibaan ng maganap ang insidente.

Nag-overtake umano ang kotse sa isang motorsiklo na minalas namang makabanggaan ang  kasalubong nitong tricycle na minamaneho naman ni Supnit.

Sa lakas ng banggaan ay tila latang niyupi ang mga nasabing sasakyan. Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masu­sing imbestigasyon ang insidente.

 

 

vuukle comment

BERNIE SUPNIT

DE CASTRO

DIANNE BOLIVA

FERDINAND UY

GLENN MINAS

HONDA CIVIC

IBAAN

IBAAN POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with