^

Police Metro

2 lalaki itinumba sa palengke

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang dalawang lalaki nang pagbabarilin ng nag-iisang suspek sa loob ng isang palengke kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Ang isang biktima ay kinilalang sina Carlo Steve Diaz, 44, ng No. 2-C Kapitan Ato Street., Brgy. Sta. Cruz, Pasig City. Habang ang  isa ay isinalarawan sa edad na 44-anyos, may taas na 5’3”, katamtaman ang kulay, nakasuot ng asul at puti na striped t-shirt, cream na slocks, may mga tattoo na “Elmer Gerda” sa kanyang dibdib, “Dennis Da Silva” at “Warrior Dantley” sa kanyang tiyan, “Manuel” sa likod nito, “Rickson Aquino sa kanyang kaliwang braso at “Ding Bautista” at tribal tattoo sa kanyang binti.

Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng tanghali ay naglalakad ang dalawang biktima sa loob ng Tierra Market, Commonwealth Avenue kanto ng T. Sora Ave., Brgy. New Era nang lapitan ng suspek at walang kaabug-abog na binaril sa ulo si Diaz.

Nagtatakabo ang kasama ni Diaz, subalit hinabol siya ng suspek at nang makorner ay pinagbabaril din ito hanggang sa mapatay.

Agad tumakas ang suspek sa lugar at sumakay sa pampasaherong jeepney na biyaheng Quiapo-Lagro.

 

vuukle comment

BRGY

C KAPITAN ATO STREET

CARLO STEVE DIAZ

COMMONWEALTH AVENUE

DENNIS DA SILVA

DIAZ

DING BAUTISTA

ELMER GERDA

NEW ERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with